skip to main content
Cargill Logo
Cargill
  • Our Stories
  • About Cargill

    About Cargill

    • Our approach
    • Cargill at a Glance
    • Executive Team
    • Innovation
    • 2024 Annual Report
    • Our History
    • Community Engagement
    • Research & Development
    • Diversity, Equity and Inclusion
    • Ethics & Compliance
    • Supplier Central
    • Contact Us
  • Sustainability

    Sustainability

    • Supply Chains
    • Sustainability Priorities
    • 2024 Impact Report
    • Reporting Hub
    • Cargill Connection
  • News

    News

    • All Press Releases
    • Company Statements
    • In The News
  • Products & Services

    Products & Services

    • Agriculture
    • Animal Nutrition
    • Beauty
    • Bioindustrial
    • Foodservice
    • Food & Beverage
    • Industrial
    • Pharmaceutical
    • Meat & Poultry
    • Risk Management
    • Supplements
    • Transportation
  • Careers
  • Contact
  • Worldwide
  • Contact
Home/ Sustainability/Sustainability Priorities/People/Paving the path to recovery for corn farmers in typhoon-hit Cagayan/Paghahanda ng daan para sa pagbawi ng mga magsasaka ng mais dahil sa pagtama ng bagyo sa Cagayan
  • Sustainability
    • Supply Chains
      • Animal Nutrition & Feed
      • Aquaculture
      • SeaFurtherâ„¢ Sustainability
        • Source: Transforming supply chains
        • Optimize: Innovating and enhancing
        • Care: Safeguarding farmed fish
      • Beef
      • Cocoa
        • Empowering Cocoa Growing Communities in West Africa
          • Improving Access to Education for Children in West Africa
          • Ensuring Traceability in the Cocoa Supply Chain
          • Partnering to Improve Community Well-being in West Africa
      • Coconut Oil
      • Cotton
      • Corn
      • Poultry
      • Sustainable Palm Oil 
      • Sustainable Seaweed
        • Red Seaweed Promise™ Progress Report
        • Contact Us
      • Shipping
      • Sustainable Stevia
      • Soy
    • Sustainability Priorities
      • Climate
        • Decarbonization
          • Renewable Fuels
          • Biofuels offering in Europe
      • Land & Water
        • Land
          • Regenerative Agriculture
          • Protecting Forests
        • Water
      • People
        • Human Rights
        • Advancing gender equity in our supply chains
    • 2024 Impact Report
    • Reporting Hub
      • Annual Report Library
      • ESG Report Library
      • CDP Responses
      • ESG Scorecard
 

Paghahanda ng daan para sa pagbawi ng mga magsasaka ng mais dahil sa pagtama ng bagyo sa Cagayan

Kabilang si Artemio Orpilla sa maraming magsasaka na nahihirapang tanggapin ang pinsalang dulot ng mga bagyong Rolly at Ulysses sa Cagayan, Philippines. Ang mga komunidad ng magsasaka dito ay dumanas ng maraming sakuna at ngayon ay sinusubukang iangat ang kanilang mga sarili at palakasin ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng pagsasaka ng mais. Sa paghahanap nila ng paraan upang makabangong muli, sila ay nakatanggap  ng suporta mula sa Yellow Corn Project na inilunsad ng Cargill at Save the Children Philippines noong Oktubre 2021. Sa nakalipas na ilang buwan, 430 na mga pamilya ng magsasaka ng mais ang nakinabang sa proyekto.

“”

Artemio Orpilla portrait image Bilang isang maliit na magsasaka ng mais, palagi akong nakakaranas ng mga problema sa panahon ng pagtatanim dahil wala akong sapat na pera para pangpuhunan. Sa pamamagitan ng mga farm inputs tulad ng mataas na kalidad na mga binhi at pataba na natanggap ko mula sa Yellow Corn Project,  nabawasan ang aking  gastusin para muling maibangon ang aking sakahan at mapataas ang aking ani. Lubos na nabawasan ang aking mga alalahanin.

Artemio Orpilla isang magsasaka ng mais mula sa munisipalidad ng Baggao sa Pilipinas

Jerome Balinton portrait image
Jerome Balinton, Humanitarian Manager, Save the Children
Nakausap namin si Jerome Balinton, Humanitarian Manager, Save the Children, Philippines, na syang namumuno sa pagpapatupad ng proyekto, upang malaman kung paano binabago ng proyektong ito ang mga buhay ng mga magsasaka sa komunidad kung saan pinatupad ang proyekto.

T: Ano ang layunin ng Yellow Corn Project?

Ang proyekto ay may apat na pangunahing bahagi:

  • Pagbibigay ng mga libreng farm inputs na hindi lamang nakatulong sa mga magsasaka ng mais na maghanda nang mas mahusay para sa panahon ng pagtatanim, ngunit nakapigil din sa kanilang pagkuha ng mga pautang na hindi nila mababayaran.
  • Pagbibigay ng pagsasanay at kaalaman sa pagpapaunlad ng kapasidad sa mahusay na pagsasaka, mapapanatiling mga kasanayan sa mais at pamamahala sa pananalapi
  • Pagtiyak ng mataas na kalidad ng ani sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga magsasaka ng suporta matapos ang ani, tulad ng pasilidad sa pagpapatuyo ng ani at panukat ng halumigmig
  • Ang pinaka-kritikal na aspeto: pag-uugnay ng mga magsasaka sa mga pamilihan, kabilang ang mga  korporasyon tulad ng Cargill, upang makatulong sa pagbigay ng tamang pagpepresyo ng ani. Kinikilala ng mga magsasaka na ang ugnayan sa merkado ay kanilang mapapakinabangan nang higit pa sa mga libreng farm inputs at pagsasanay sa kalaunan.

Ang Agriculture is how ay kung paano natin tutugunan ang pagbabago ng klima at patuloy na mapakain ang lumalaking populasyon. Nagsusumikap ang Cargill na bumuo ng isang matibay na industriya ng agrikultura at mapabuti ang kabuhayan ng mga magsasaka, sa pamamagitan ng pag-uugnay sa kanila sa mga internasyonal na merkado at pagbibigay ng access sa mga kasangkapan at pagsasanay. Ang Yellow Corn Project ay nagbibigay-daan sa mga magsasaka ng mais na makabangon mula sa mga sakuna sa Cayagan, Pilipinas, sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga pagsasanay at mga pagkakataong pang-kabuhayan.

T: Ang proyekto ay ipinatupad sa lugar na nakaranas ng dalawang bagyo, na humantong sa matinding pagbaha at pinsala sa sektor ng agrikultura, na mas lalong pinatindi ng pandemya ng COVID-19. Anu-ano ang mga hamon sa pagpapatupad ng proyektong ito sa isang komunidad na labis na tinamaan ng mga sakuna?

Ang isa sa mga pinakamalaking hamon ay ang pagtukoy kung sino ang nangangailangan ng higit na suporta, na isinasaalang-alang ang mga pagkukunan ng pondo. Ito ang nagbunsod sa amin na maglapat ng aming pamantayan sa pagpili ayon sa kahinaan upang matukoy ang pinaka-vulnerable na pangkat  ng mga magsasaka ng yellow corn.  Bukod rito, hinadlangan ng Covid-19 ang aming pagpunta sa mga komunidad. Dito ay nakatanggap kami ng suporta mula sa mga lokal na mamayan at kasamahan sa proyekto, na tumulong sa pamamahagi ng mga farm inputs sa mga magsasaka na pinaka-apektado.

Ang Cargill sa Pilipinas ay sumusuporta sa pambansang pag-unlad sa ilalim ng OneDA Framework – konsolidasyon, modernisasyon, industriyalisasyon at propesyonalisasyon, sa pamamagitan ng pagsasama ng mga magsasaka sa ating supply chain. Dahil sa mga magagandang resulta at mga aral na natutunan mula sa pilot project na ito na isang inclusive business kasama ang mga maliliit na magsasaka, nilalayon ng Cargill na ipatupad ang programang ito nang may mas malawak na saklaw sa  mas maraming kooperatiba ng mais at mga stakeholder mula sa pribado at pampublikong  sektor ng Cagayan Valley at maging sa iba pang rehiyon.

T: Paano ang pagtanggap ng mga magsasaka sa pagsasanay sa pagbuo ng kapasidad? Ano ang naging epekto sa lipunan at ekonomiya ng proyekto?

Naging katanggap-tanggap sa mga magsasaka ang mga pagsasanay na ito, na nagpataas ng kanilang kita kaalaman para mapababa ang gastos nila sa produksyon at mapataas and kanilang kita, na nagbigay sa kanila ng higit na katatagan sa pananalapi. Sa huli, ang proyektong ito ay makatutulong sa ekonomiya ng munisipyo, lalawigan, at ng buong bansa.

quote image

Binubuhay ng inisyatibong ito ang lokal na ekonomiya, at ang tagumpay nito ay nagbigay pag-asa sa Cargill na maaari itong gayahin na ipatupad sa mas maraming kooperatiba ng mais.

“Tuwing panahon ng pagtatanim, nahihirapan ako sa pagbili ng mga farm inputs na gagamitin  sa aking sakahan. Sa pamamagitan ng mga tulong  na natanggap ko mula sa proyekto, kasama na ang mga binhi at pataba, ay nakapagtanim ako sa isang ¾ ektarya at nakapag-ani ako ng 80 sako ng yellow corn,” sabi ni Arcely Valle mula sa Baggao.

Randy Enderes, Merchant, Cargill Animal Nutrition, ipinaliwanag ang papel ng Cargill sa proyekto, “Tinutulungan namin ang mga maliliit na magsasaka sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Santo Domingo Multi-Purpose Cooperative na ngayon ay aming accredited  supplier na ng yellow corn. Ang pagpasok ng Cargill sa lugar bilang isang mamimili ay nakatulong sa kooperatiba sa pamamagitan ng paglalagay ng pamantayan sa presyo ng mais. Nakakatulong ito na lumikha ng katatagan sa pananalapi para sa mga lokal na maliliit na magsasaka, sa pamamagitan ng pagprotekta sa kanila mula sa matinding pagbaba ng presyo ng mais.’’

Linkedin Facebook Instagram YouTube
Contact Worldwide
Privacy Notices Fraud Notice
Website Terms of Use Purchase Order Terms
© 2025 Cargill, Incorporated. All Rights Reserved.